Thursday, September 18, 2008

John Lloyd Cruz interested to work with Marian Rivera





“Kasi lumapit sa akin si Mother Lily [Monteverde], offering a project with Marian. Kung ako ang tatanungin, gusto ko na agad gawin ‘yan. Pero matagal na process ‘yan. Pag-uusapan pa talaga,” says John Lloyd Cruz about the possibility of working with Marian Rivera (inset).

Pinag-uusapang muli ang portrayal ni John Lloyd Cruz bilang isang baliw (schizophrenic) sa Maalaala Mo Kaya, na ipalalabas sa Sabado, September 20. Siyempre pa, marami ang pumupuri sa aktor sa trailer pa lamang, kasama ang mga eksena nila ni Alessandra de Rossi na gumaganap bilang asawa niya in that particular episode.

Pinaghandaan pa ni John Lloyd ang nabanggit na role. Aniya, “Bumisita pa ako sa National Mental Hospital para mag-observe ng mga baliw doon. Siyempre, inalam ko kung anong klaseng pagkabaliw mayroon ang character ko. Inalam ko rin kung paano siya inaatake, kung bakit tagusan ang tingin nila, kasi, karaniwang nasa ibang dimension sila.”

Undoubtedly, nasa ibang level na nga, as far as acting is concerned, si John Lloyd. Nagagawan pa rin niya ng balanse ang sinasabing paglabas niya sa mga pelikulang komersiyal. Maski ang big hit na A Very Special Love na pinagtambalan nila ni Sarah Geronimo, despite its high commercial value, ay nakitaan pa rin ng substance, lalo na sa part ng acting ni John Lloyd.

“Sa movies, mukhang uunahin ko uli ang isang team-up movie with Sarah,” banggit niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). “I don’t know if it’s going to be a sequel of our first movie together, but it should be another team-up movie for Valentine’s day. Ang isa pa, yung gagawin namin ni Ate Vi [Governor Vilma Santos], hinahanapan na lang ng time ‘yan para makapagsimula.”

POSSIBLE LEADING LADIES. May nagtanong kay John Lloyd kung itutuloy pa rin daw yung plano noon na isang project with KC Concepcion. Before KC’s movie with Richard Gutierrez was conceived, ABS-CBN was toying with the idea of pairing KC with John Lloyd.

“Mukhang wala sa priorities namin ni KC sa ngayon ang paggawa ng movie together. Ang alam ko, gagawa si KC sa GMA Films with Richard again. ‘Tapos, marami pa siyang ibang pagkakaabalahan. Ganoon din ako. Kung mayroon mang ganyang plano, that will have to wait. Baka next year, puwede na,” sabi niya.

Iba ang glow sa mga mata ni Lloydie nang mabanggit kung sino ang pupuwedeng sumunod niyang makapareha after Bea Alonzo and Sarah Geronimo.

“Interesado ako kay Marian Rivera,” sabi ni John Lloyd. “Kasi lumapit sa akin si Mother Lily [Monteverde], offering a project with Marian. Kung ako ang tatanungin, gusto ko na agad gawin ‘yan. Pero matagal na process ‘yan. Pag-uusapan pa talaga.

“Noon ko pa naman sinasabi na ayokong malimitahan by just working with people identified with ABS-CBN. Mas makatutulong siguro sa akin kung paminsan-minsan, gagawa ako ng movies with stars na hindi ko basta makakasama, and it should really be special,” nangingiting dugtong ng young actor.

INDIE FILMS. Sa husay ni John Lloyd, hindi naman niya basta iniisip na sa indie films lang mapapakinabangan nang husto ang talento niya. Si Piolo Pascual kasi ay nagpo-produce ng indie film na Maynila, at naniniwalang hindi siya basta mabibigyan ng pelikulang mag-aangat sa kanya sa kahusayan kung hindi siya magte-take ng risks.

“Gusto ko rin sana ang indie films,” sabi ni John Lloyd. “There’s nothing wrong with that. Kaya lang, naiisip ko na parang fad lang ang indie films. Correct me if I’m wrong, pero gagawa ako ng indie film, hindi dahil sa uso lang, o gumagawa na rin kasi ang iba. If it’s really a good project, why not?

“At saka sa ngayon,” patuloy niya, “wala akong convictions na puwedeng makaapekto sa choices ko. Kung kailangan kong makipaglaplapan sa kapwa ko lalaki, sa tomboy, o kung anuman, basta kakayanin ko, gagawin ko yun for a good role.

“Ito yung pagkakataon na gusto kong gumawa ng roles na talagang malayo rin sa karaniwang naibibigay sa akin. But I’m glad, napapagkatiwalaan pa rin ako, kahit sa TV,” pagwawakas ni John Lloyd.

No comments:

Post a Comment