Thursday, September 18, 2008
KIM CHIU NOT YET READY TO BE PAIRED WITH OTHER LEADING MEN
src="http://pagead2.googlesyndication.com/pagead/show_ads.js">
Sa bagong TV series nina Kim Chiu at Gerald Anderson, ang My Only Hope, hindi naman daw magko-comedy si Kim kumpara sa ginawa niya sa My Girl. Pero karamihan daw ng nasa cast ng My Girl ay kasama rin nila sa My Only Hope. This time nga lang, instead na sa primetime ay tuwing Linggo na ng hapon sila mapapanood.
Inilarawan ni Kim ang role niya sa My Only Hope nang makausap namin siya sa press conference ng Bioclear Food Supplement na ginanap sa Annabel’s restaurant kahapon, September 16.
“Sa My Only Hope po, ako po yung parang si Miss Sunshine. Ako po yung nagpapa-lighten up ng moods nila. Hindi po ako comedy rito, more on drama po.”
Simula na kaya ito ng pagsi-shift sa mga character nila ni Gerald mula sa mga pa-cute roles at papunta ng mas seryoso?
“Hindi ko po alam, depende, depende po!” nakangiti niyang sabi.
Wala pa raw balita si Kim kung may gagawin sila ulit na pelikula ni Gerald. Ang My Only Hope pa lang daw kasi ang alam nilang project sa ngayon.
Tinanong ng PEP kay Kim kung ano ang nakikita niya sa love team nila ni Gerald Anderson at hanggang saan at kailan pa ang itatagal nito?
“Nag-try na naman po na i-partner ako sa iba, like sa MMK [Maalaala Mo Kaya] kay Matt Evans,” sabi ni Kim.
Pero sinabi namin sa kanya na isang gabi lang naman yung sa kanila ni Matt, hindi gaya ni Gerald na gabi-gabi o linggo-linggo silang mapapanood. Kung siya ang masusunod, mas gusto niya bang maipareha sa iba o sila pa rin ni Gerald?
“Sana po, huwag muna. Sayang naman po kasi ang Kimerald fans. Kasi, ang dami-dami na nga po nila,” saad ni Kim.
Bakit nag-aalala siya para sa Kimerald fans?
“Kasi po, dahil naman po sa kanila kung bakit kami nagkakaroon ng show, kung kaya kami binibigyan ng project ng ABS-CBN. Kasi, alam nilang maraming Kimerald [fans]. Parang nag-i-email sila every day kapag wala kaming show. Umaabot pa sila ng States, umaabot pa sila ng iba’t ibang lugar,” paliwanag ng young actress.
Sa palagay niya ba kung hindi na sila ni Gerald ang partner, mawawala rin ang Kimerald?
“Siguro po, parang ganoon, magkakahiwalay na,” tila nalungkot niyang sabi.
SECOND BATCH OF PBB. Matagal na ring nai-launch ang second batch ng Pinoy Big Brother Teen Edition, pero sa nangyayari, tila nahihirapan ang Batch 2 na mapantayan ang popularity ng batch nina Kim at Gerald. Maging ang sinasabing parang susunod daw sa yapak ni Kim na si Nicole Uysiuseng ay tila hindi aabot sa tinamasang kasikatan ng una. Ano ang masasabi ni Kim dito?
“Kasi po siguro mahaba [yung pangalan]…Nicole Uysiuseng,” simpleng sagot ni Kim.
Pero nakaramdam din ba si Kim sa pagdating ng second batch ng PBB?
“Opo, pinapanood ko nga po siya,” pag-amin ni Kim. “Kasi sabi nila, ‘Uy Kim, panoorin mo yung Nicole. Pareho sa ‘yo. Parang Chinese rin. Taga-Cebu rin.’ Kinabahan siyempre kahit paano.”
Ngayon ba, masasabi niyang nakahinga na siya nang maluwag?
“Ay, hindi naman! Hindi naman!” mariing sabi ni Kim.
Pero ano ba ang feeling niya na hindi pa rin nauungusan ng Season 2 ang Season 1 ng PBB Teen Edition?
“Ewan ko,” sambit niya. “Siguro kasi, iba pa rin ang Season 1. Hindi mo alam kung ano ang takbo ng edition na ‘to. Yung Season 2, alam mo na kasi kung ano ang takbo ng kuwento. Maigsi lang din kasi yung season namin, 42 days lang. So siguro, nami-miss din ng mga tao na mapanood kami.”
FAVORITE ENDORSER. Si Kim ang napiling celebrity endorser ng Bioclear Food Supplement dahil sa kanyang oriental beauty. Hindi na raw nabibilang ni Kim kung pang-ilang endorsement niya ito.
“Hindi ko na po binibilang, baka kasi mabawasan!” biro niya na natatawa.
Bakit daw siya ang napili?
“Kasi ano po siya, oriental supplement. So, parang ang gusto nila, ang maging endorser ay oriental beauty rin. E, sa dinami-rami raw na oriental beauty, ako pa ang napili nila kaya nagpapasalamat naman ako,” saad ni Kim.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment