Thursday, September 18, 2008

Wendy Valdez, sinagut-sagot si Edu





KALAT na kalat sa ABS-CBN ang naganap na tension sa pagitan nina Edu Manzano at Wendy Valdez sa taping ng Pilipinas, Game Ka Na Ba? last week.

Katunayan, sa isang showbiz blog, pinangalanan na ang dalawang involved na unang lumabas bilang blind item.

Nangyari ito during the taping kung saan ay guest si Wendy at ang iba pang cast members ng I Love Betty La Fea.

Wendy was insistent sa naging sagot niya sa game portion which Edu believed was wrong. Diumano, sinagut-sagot ni Wendy si Edu.

During playback, it was discovered na mali ang pagkaka-pronounce ni Wendy ng sagot, even if she believed she said it right.

Lumabas si Edu ng studio para magpalamig ng ulo. Sinabayan naman ito ni Wendy ng pag-iyak.

Marami pa kaming narinig na kuwento tungkol sa insidente. Pero hihintayin na lang namin sina Edu at Wendy na magbigay ng kani-kanilang pahayag tungkol dito.

No comments:

Post a Comment